Kapag summer, overworked ang utak ko. OO, sabihin ko man na overworked ang utak ko tuwing pasukan, mas overworked ito 'pag summer. Kasi iniisip ko, kailan kaya kami lalabas? Paano kaya ako magkakapera? Mag-summer job kaya ako? Hindi naman pwedeng ganito na lang, ano kaya gagawin ko sa dalawang buwan ng summer?
Sa ngayon, ang naiisip ko lang ay ang tadtarin ang 8888 ng unlitxt80 at sulitin ang 80 pesos sa loob ng 5 araw. Tapos unlitxt80 uli. Maliban dito, ang iba ko pang pinagkakaabalahan ay ang multiply. Hindi na kasi ako pala-chat. Mahirap abutan ang mga snob sa ym at mag-iisip na naman ako kung ia-IM ko sila o hindi. Kaya multiply at text lang ako. Sa kakatext ko, nakakuha na naman ako ng panibagong pinagkakainteresan. Ngayon, hindi ko alam gagawin ko dahil sa mga senyales ng Diyos na pilit pa ring lumalabas pero imbis na malinawan ay lalo akong naguguluhan. Kaya nag-online ako at sangkatutak na quotes ni Bob Ong ang nakita ko. Heto na.
Sa ngayon, ang naiisip ko lang ay ang tadtarin ang 8888 ng unlitxt80 at sulitin ang 80 pesos sa loob ng 5 araw. Tapos unlitxt80 uli. Maliban dito, ang iba ko pang pinagkakaabalahan ay ang multiply. Hindi na kasi ako pala-chat. Mahirap abutan ang mga snob sa ym at mag-iisip na naman ako kung ia-IM ko sila o hindi. Kaya multiply at text lang ako. Sa kakatext ko, nakakuha na naman ako ng panibagong pinagkakainteresan. Ngayon, hindi ko alam gagawin ko dahil sa mga senyales ng Diyos na pilit pa ring lumalabas pero imbis na malinawan ay lalo akong naguguluhan. Kaya nag-online ako at sangkatutak na quotes ni Bob Ong ang nakita ko. Heto na.
1) Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba.
2) Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.
3) Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.
-Bob Ong
2) Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.
3) Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.
-Bob Ong
OK Felyne. Ibig sabihin niyan, magreflect ka. 'Yung una, sinaway mo 'yan. Nagsisisi ka na. 'Yung pangalawa, ngayon 'yan. Pagisipan mo. 'Yung pangatlo, may posibilidad na mangyari. Pagplanuhan mo.
Overworked lalo utak ko. Kasi naman nagsimula lahat sa emoture at ngayon, nakita ko pa 'tong ibang quotes. Sus talaga! Idol ko 'tong si Bob Ong. Hindi ko pa nababasa mga libro niya pero may plano naman ako. Dahil dito sa mga quotes na 'to, lalakas ang marketing niya. Sunod.
Overworked lalo utak ko. Kasi naman nagsimula lahat sa emoture at ngayon, nakita ko pa 'tong ibang quotes. Sus talaga! Idol ko 'tong si Bob Ong. Hindi ko pa nababasa mga libro niya pero may plano naman ako. Dahil dito sa mga quotes na 'to, lalakas ang marketing niya. Sunod.
Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.
Langya. Tama, quits lang. Pero boy, hirap mamili sa pagitan ng mahal mo at mahal ka. Lagi ngang tanong 'yan 'di ba? Lahat ng telenovela inaadopt 'yan. Pati korean novela. Haha! Ok, mabasa mo man 'to, kung sino ka man, tamaan ka sana. Malaman mo sana na nahihirapan ako ngayon at kailan ko pa ng oras. Oo, alam ko bibigyan mo ko ng oras, pero alam mo 'yon, parang ang hirap mamuhay ng ganito!Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.
Ayan. Aaminin ko. Ganyan dati. Pero ngayon, bagong buhay na. Sana lang 'wag akong karmahin sa mga oras na 'to at ako naman ang ganyanin. Huwag.
Ang pag-ibig parang imburnal. Nakakatakot mahulog at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.
Takot talaga ako. OK? Kasi oo, masakit sa pwet mahulog sa imburnal dahil nangyari na sa 'kin 'yan nung bata ako. Tanga pa ko noon. Sa pag-ibig, ayokong mahulog, kasi ayokong magmukhang tanga sa huli. Takot akong magmukhang tanga. Kung aksidente 'yan, may magmumukha pa ring tanga sa huli, at 'yun ay kung sino ang nahulog. Ang matalino, 'yung taong nakatango at nakatingin sa imburnal na inaasar kung sino man 'yung nahulog. Matalino, pero masama. Tanga pero innocent. Pili na.
Wala namang masama sa pangingibang-bayan. Walang masama kung gusto mong lisanin ang barkong sa tingin mo'y papalubog na. Basta't wag mo lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapan itong isalba ng ibang tao.
Sakto! Sa ngayon, sinasalba ako ng ibang tao, tinutulungan. Ba't kailangan mo silang takutin? Ba't kailangan mo kong siraan? Bakit ka ganyan? Ano bang gusto mo? Ako? Iyo ako, noon pa man. Ngayon kung ayaw mo 'kong mawala (theory lang 'to nung sumasalba sa 'kin, ayoko na kasing isipin pero hindi maiwasan!), sabihin mo. Mahirap umasa sa maybe at...
Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko
Kaya kong wala e, pero gusto ko mayroon kasi mahirap 'pag wala. Gets? Haha! Iba 'pag wala at iba 'pag mayroon. Iba rin kapag sana mayroon, sana nagkaroon, sana magkakaroon na maari at maaring hindi. Ayokong masanay na umasa sa maybe na pwede namang hindi na ko umasa. Ewan. WENGWENG NA!
Ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? wala knaman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. Isipin mo yung ngayon. I-enjoy mo lang ang buhay. Wag kang emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan-minsan pero ang pagiging miserable? Wag kang hibang choice mo yan.
Wow! Is this quote for me? Kung susundin kita quote, maililigtas mo ba ang hinamak kong buhay? Sabi ni Ma'am Fe, "Lagi namang may choice. Basta 'pag pinili mo 'yung choice na 'yon, harapin mo consequences." Pinili kong gawin 'tong blog na 'to. Ang consequence, sakit sa ulo. Ampf. Iniisip ko na kasi lahat ngayon. Magulo.
Ang babae, nirerespeto, inaalagaan! Hindi yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo ng paglaruan.Hindi yan IPOD na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan.At hindi yan RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling-araw.Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadget para kolektahin at paglaruan.
Sana lahat ng lalaki alam 'tong quote na 'to. Haha! Mas maginhawa sana ang buhay ng mga babae kahit na ba sabihin na maraming kaartehan sa katawan, totoo naman kaya oks lang.
Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sayo ay ginagawa din niya sa iba?
Inisip ko 'to dati. Naniwala akong special ako. Ngayon alam ko, hindi pala ako gaanong special. Madali lang akong kalimutan e. Ginawa niya sa 'yo, ginagawa rin niya sa iba. Tanggap ko naman. Muntanga lang.
Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa.. Kasi, hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.
Question! Paano kung sabay? Haha! Walang una o pangalawa?
Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran sila? Kailangan nila libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang TAONG TINALIKURAN nila.
Madali lang kaya. Magharapan kayo. Tapos mag-usap. Ok na 'yun!
Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.
Dahilan diyan, masarap 'yung feeling na may umaasa sa'yo. Na may niloloko ka. Pero bagong buhay na, erase erase. Tatandaan ko na 'yan.
Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.
Sansitive ako sa salitang "landi". Madami akong nakaaway dati dahil d'yan. Peace! Ok na kami. mahirap maging 'yung tao na "sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa". Recall.
“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
OK. Iyon lamang.
“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
Kaya nga ako na nagkukusa. Haha! End na 'to.Kung binasa mo, alam kong wala kang naintindihan. Sige na, close mo na 'yung tab.

0 comments:
Post a Comment