Nanunuod na naman ako kanina kay Kuya Janusz. Pinapanuod ko kung paano niya sinolve 'yung Rubik's cube. Sa totoo lang, hindi naman siya marunong eh. Kaya tinuturuan siya ni Kuya Theo. Ako? May Rubik's cube kami dito sa bahay. Marami. Pero hindi ako marunong magsolve ng mga ganun eh. Kaya ang ginagawa ko na lang, nanunuod, habang naghihirap ang iba na buuin ang Rubik's Cube nila.
Matagal na kong interesadong matuto kung paano aayusin ang Rubik's cube. Marami namang nagaalok na turuan ako. Maraming beses na rin akong sumubok na ayusin ang Rubik's cube na iniaabot sa akin. Kaya lang, naiinis ako. Kaya ayun, kinakalas ko na lang. Hahaha! Ayokong matuto kung paano aayusin ang Rubik's cube. HAHAHA! Bukod sa wala akong oras para sa mga ganoong laro, gusto ko pag nakabuo ako ng Rubik's cube, sariling pagod, sariling utak. 'Yung tipong pagnabuo ko na, masasabi ko, "HUUUYESSS maman! Nabuo KO." Haha! Kaya ngayon, inihahalintulad ko ang Rubik's cube sa buhay ko.
Ang buhay ko ay isang napakagulong Rubik's cube. Pero masaya ako tuwing nahahawakan ko ang Rubik's cube na iyon. Makulay siya kasi nga magulo. Tapos sa bawat ikot na ginagawa ko, iyon 'yung mga desisyon na ginagawa ko. Kapag mali, lalong nagugulo 'yung cube. Kapag tama, napapalapit ako sa tuluyang pagkaayos ng cube ko, tuluyang pagkabuo. Sa ngayon, magulo pa rin ang Rubik's cube ko. At katulad nga ng sabi ko kanina, ayaw kong ayusin ito. Bakiit~ kaya?
Kasi kung maayos na ang Rubik's cube, game over na. Kung matutunan ko na kung paano ito aayusin, wala nang "thrill". Kapag maayos na, hindi na siya makulay. Hindi mo na makikita ang blue, orange, green, red, yellow, at white sa iisang mukha ng Rubik's cube. Boring na kumbaga.
Ang Rubik's cube, pag maayos, magandang tignan. Kasi parang ang linis, parang pinaghirapang buuin. Pag magulo, parang ang pangit. Parang hindi marunong 'yung may hawak. Napapansin mo tuloy yung mga natuklap na na "sticker". Gayunpaman, makulay siya. Mas maganda sa kin ang magulong Rubik's cube, kaysa sa maayos. Kasi hindi naman 'yung Rubik's cube ang nakikita ko eh, 'yung effort nung nagbubuo at pilit binubuo ang Rubik's cube.
Sana ang ibang tao, kahit ang hawak ko sa aking mga kamay ay ang magulo kong Rubik's cube, hindi nila iisipin na bobo ako kaya hindi ko 'yon nasolve. Sinusubukan ko naman ah. Siyempre, kailangan lang ng pahinga. At saka, gusto ko, ako mismo ang magsolve ng Rubik's cube ko.
Samakatuwid, kung ang Rubik's cube na hawak ko sa mga kamay ko- magulo, tuklap-tuklap, panget, karimarimarim man pero makulay, hintayin niyo lang. Mabubuo ko rin yan. Balang-araw. At pagdating ng araw na iyon, ingungudngod ko pa sa inyo 'to, sabay sabing "O, binuo KO yan!". Parang buhay ko, magulo man ngayon, maayos ko rin yan ng ako lang at balang-araw, magugulat na lang kayo :P
--SI PILIN, ang batang kasalukuyang binubuo ang Rubik's cube ng buhay niya ΓΌ
BOWOWOW ^^
Prelude
- caffeine
- I CAN- DID is the word of achievement, WON'T is the word of retreat, MIGHT is the word of bereavement, CAN'T is the word of defeat, OUGHT is the word duty, TRY is a word each hour, WILL is a word of beauty, CAN IS THE WORD OF POWER!!!
Monday, March 16, 2009
Rubik's cube life
Posted by
caffeine
at
Monday, March 16, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment