I didn't realize it's Dec.31. And tonight, we shall be staying up late and wait for the clock to strike 00:00 again. And it's gonna be Jan.1, 2009. (when will the clock ever strike 24:00?) I'll be having a hard time writing dates on my school paper again as I tend to write 08 in the past year. I think that's my serious hangover whenever there's this "new year". I love new year; provides more drinks than what's provided by Christmas. Nothing special really is going on here. Just lots of round stuff on the table and food cooking (which seldom happens here. We usually order "ulam" and have it delivered). I'm still in front of the computer, drying my hair. That's all. People here seems to be really following the fireworks ban thingy. Not much popping. Hope it's happier in your place.
I'm waiting for tonight. Our neighbor does the favor of lighting fireworks for us. He is also the one who buys them. We just watch ü
Happy New Year everyone!
KAMPAY!
Prelude
- caffeine
- I CAN- DID is the word of achievement, WON'T is the word of retreat, MIGHT is the word of bereavement, CAN'T is the word of defeat, OUGHT is the word duty, TRY is a word each hour, WILL is a word of beauty, CAN IS THE WORD OF POWER!!!
Wednesday, December 31, 2008
Time slides
Posted by
caffeine
at
Wednesday, December 31, 2008
0
comments
Tuesday, December 30, 2008
what moment
fast food lady: Ano po order nila?
me: big mac and large fries
fast food lady: drinks po?
me: pwedeng diet coke, diet ako eh.
haha! Ano kaya inisip nung babae?
Posted by
caffeine
at
Tuesday, December 30, 2008
0
comments
Gays
I hate it when I see good-looking gays. So boyfriend material.
I saw a group of good-looking guys passing by our house (You know, our house has this room with big big windows so I see everything from up here). Three of them looks like guys; one of them sports a bob like that of Katie Holmes so I instantly knew he is gay. They are fair-skinned, have perfect arched eyebrow and one of them even has a cleft chin. They look clean and decent until I saw them, like spanking or slapping each other, in a soo gay way that I almost vomited. And I asked myself, "Why do gays have to be gays when they are soo handsome and all that?"
Now I'm blogging this.
TO ALL GOOD-LOOKING PEOPLE: DON'T YOU DARE BE GAYS!
sayang sila.
It reminded me of someone from school ü
Posted by
caffeine
at
Tuesday, December 30, 2008
0
comments
Love Lockdown
What I had to do, had to run from you
I'm in love with you, but the vibe is wrong
And that haunted me, all the way home
So ya never know, never never know
Never know enough, til it's over love
Til we lose control, system overload
Screamin no no no, no no
I'm not lovin you, way I wanted to
See I wanna move, but can't escape from you
So I keep it low, keep a secret code
So everybody else don't have to know
So keep ya love locked down, ya love locked down
Keepin ya love locked down, ya love locked down
Now keep ya love locked down, ya love locked down
Now keep ya love locked down, you lose
I'm not lovin you, way I wanted to
I can't keep my cool, so I keep it true
I got somethin to lose, so I gotta move
I can't keep myself, and still keep you too
So I keep in mind, when I'm on my own
Somewhere far from home, In the danger zone
How many times did I take fo' it finally got through
You lose, you lose
I'm not lovin you, way I wanted to
See I had to go, see I had to move
No more wastin time, you can't wait for life
We're just racin time, wheres the finish line
So keep ya love locked down, ya love locked down
keepin ya love locked down, ya love locked down
Now keep ya love locked down, ya love locked down
Now keep ya love locked down, you lose
I'm not lovin you, the way I wanted to
I met no one new, I got no one new
Know I said I'm through, but got love for you
But I'm not lovin you, the way I wanted to
Gotta keep it goin, keep the lovin goin
Keep it on a roll, only god knows
If I'll be with you, baby I'm confused
You choose, you choose
I'm not lovin you, way I wanted to
Where I gotta go, I don't need you
I been on this road, too many times before
I'm not lovin you, way I wanted to
So keep ya love locked down, ya love locked down
Keepin ya love locked down, ya love locked down
Now keep ya love locked down, ya love locked down
Now keep ya love locked down, you lose, you lose
You lose...You lose...You lose
Posted by
caffeine
at
Tuesday, December 30, 2008
0
comments
Wednesday, December 24, 2008
Celebration
This is how a bored rich kid celebrates Christmas
In front of her f-ing computer typing nothing
and all giddy for alcohol.
alcohol helps in keeping you warm,
especially when it's soooo cooooldd...
**I managed to complete the misa de Gallo,, hephephooray!**
to all bored rich kids out there, cheers!
Posted by
caffeine
at
Wednesday, December 24, 2008
0
comments
Please save our country from the shame
http://cubeonline.multiply.com/journal/item/15/Sign_a_Petition_NO_to_Takipsilimthe_FIlipino_Twilight_Series?replies_read=24
This is a blog entry from my friend...please sign the petition and save our country from producing bulllllshiiiiittt :)
Posted by
caffeine
at
Wednesday, December 24, 2008
0
comments
Wednesday, December 17, 2008
Pangalawang araw ng Simbang gabi
Pangalawang araw pa lang, pakiramdam ko kulang na kulang na ko sa tulog. Napakalamig ngayon. Ansarap talagang magtalukbong sa ilalim ng kumot, yakapin ang unan ng mahigpit, at dumiretso sa pinakakamagandang mundo; ang mundo ng mga panaginip. Pero gaya ng sabi ko, kukumpletuhin ko ang simbang gabi.
Tapos na ang Quarterly Exam namin. Ito ang isang bagay na nais kong matapos. Kasi, matapos nito ay malaya akong makapagpupuyat, makakapaglaro ng kompyuter at makakapag-chat na walang iniisip na facts at mimememorize na mga formula. Samakatuwid, I can now rest in peace. Ang mga test na 'yan, talaga namang mga peste 'yan , naku...
Hindi naman masusukat ang talino ng isang tao sa pamamagitan ng isang pagsusulit. Hindi ibig sabihin na bumagsak ako sa test, bobo na ko. At hindi ibig sabihin na pag na perpek ko ang test, henyo na ko. Iba-iba ang angking talino ng tao at walang pagsusulit ang makapagsasabi na matalino o bobo ang isang tao.
Wala naman akong magawa 'pag bakasyon. Wala, patay din cell ko kasi naman, ewan ko dun! Bwisit!
Haizzt,, makinig na lang kayo ng part time lover ng new years day :)
**RANDOM**
Posted by
caffeine
at
Wednesday, December 17, 2008
0
comments
Tuesday, December 16, 2008
Napakalamig na pasko
Unang araw ngayon ng simbang madaling araw. Napakalamig pag gising ko. Alas tres ng umaga, naligo ako at nagbihis kasi pupunta kami sa simbahan. Dalawa lang naman ang rason ko kung bakit ko napagtiyatiyagaang gumising ng maaga para magsimba tuwing Misa de Gallo. Una, dahil gusto kong bumili ng bibingka pagkatapos ng misa sabay papak ng sunog na bahagi nito pagdating sa bahay; at ikalawa, mayroon akong hihilingin.
Sabi noong pari kanina, hindi daw sana 'yung paghiling ang nag-"momotivate" sa mga tao na dumalo ng Misa de Gallo. Sana daw dumadalo ang mga tao dahil gusto nilang ihandog ang sarili nila sa Panginoon. Kasi sa ganoong dahilan, nagiging "God-centered" 'yung intensyon natin. At kung kahilingan naman ang rason natin, "self-centered" daw tayo. Humihip 'yung hangin. Nilamig ako. Tumayo lahat ng balahibo ko, lalo na sa batok.
Ewan ba. Sabi kasi nila, kapag natutupad ang kahilingan mong hiningi mo sa Diyos, kadalasan may panata o kasunduan kayo na dapat sundin. Katulad nung lalaking ang sabi ay pinagbigyan daw siya ng Diyos sa hiling niya noong nangako siya na sasama siya sa prusisyon ng kanilang poon taun-taon. Natupad ang hiling niya at ginagawa niya ang pangako niya. Napanuod ko 'yan, sa Mel and Joey.
Oo, sige na, makasarili na kung makasarili. Desperada eh. Gusto talagang matupad ang hiling. Ano nga ba ang hiniling ko? Iyon ay isang bagay na worth ng pagising ng alas tres ng umaga, paliligo habang nanginginig, pagkarga ng namamanhid na paa at pagbahin habang nagmimisa sabay singhot ng patulo nang sipon. Kasi ang hinihiling ko, pagkakataon. Pagkakataon na ibalik ang lahat sa dati.
Pagod na ko. Napakalamig ng Pasko ko. Kasi wala na 'kong jaket. Wala na si Santa Claus. Wala na ang star sa taas ng Krismas tree. Wala nang regalo sa ilalim nito. Walang niyog and bibingka. Walang mantikilya ang puto-bumbong. Di ba masaklap? Hindi ko talaga maramdaman ang Pasko. Kasi wala na ang lahat ng nagpapatingkad ng kulay nito para sa 'kin.
Kahit gaano kalaking pera pa ang gastusin ko para dekoreytan ang bahay namin, kahit gaano kamahal na jacket pa ang bilhin ko, kahit gaano karaming regalo pa ang matanggap ko; 'wa kwents na 'yan. I am sober. That's it.
Ngayon, 'yung hiling ko, siguro, iyon lang ang magsisilbing heater sa lamig na nararamdaman ko dito. Hindi na ko kakagatin ng lamig, didilaan na lang. (sige, iba naisip ko) Hindi na magiging malamig ang pasko dahil sa nararamdaman ko dito sa loob ko; sa labas lang. ü
Posted by
caffeine
at
Tuesday, December 16, 2008
0
comments
Sunday, December 14, 2008
Peppermint Mocha :(
I miss my peppermint mocha venti with extra frapppppppppeeeee~!
They replaced it with that dark cherry sh***!
It tastes good, yeah yeah sure
BUT NO! I want my peppermint mocha!
*sob, sob*
I don't know why they replaced it.
They should have just added the dark cherry flavor and have 4 season drinks.
It's effing..*ahem* argh..I waited a year to get a sip from my cup of peppermint mocha
When I was joyful and all because we dropped by Starbucks
Oh the horror!
They don't have it anymore!!!
God, I thought good things await those who wait?!
Is there a petition out there that I can sign? :c
<--peppermint mocha
when will you come back to me? (and the Starbucks menu?)
when oh when?
DRAMA KO 'TO! WALANG KOKONTRA!
Posted by
caffeine
at
Sunday, December 14, 2008
0
comments
Saturday, December 13, 2008
Minsan talaga, malalaman mo, at masasanay ka rin
Minsan talaga sa buhay natin, narerealize natin na may sense din pala ang buhay kahit hindi mo ito gaanong maintindihan. Makukuha mo rin 'yung geist, paunti-unti. Nagkataon lang na sa araw na ito, ang habang ibinibigay sa akin ng cerebrum ko ang pinagtagpi-tagping jigsaw puzzle, hawak ko ang keyboard at nakatutok ang mga mata ko sa monitor ng kompyuter. Ngayon, sisiguraduhin ko na na i-gluglue ko na ang mga piraso ng jigsaw puzzle para kahit bali-baligtarin mo pa 'yan, hindi sila makakakalas at hindi magkakanda wala-wala.
Sa bilis ng daliri ko sa pag pindot ng mga buton dito sa keybord, nalaman ko na lahat pala ng bagay ay napag-aaralan at nakakasanayan. Ang pagsasanay ay laging humahantong sa magandang bagay. Kahit sa quote na:
Mga tao: Madam President, nahihirapan na kami. Kailan ba uunlad ang Pilipinas?
Gloria: Maghintay lang kayo.
Mga tao: Ibig sabihin malapit na?
Gloria: Hindi, masasanay din kayo.
Sa una, 'yung negatibo ang makikita mo na kahit lumipas ang panahon ay hindi uunlad ang Pilipinas. Pero kung isa kang optimist katulad ko, maiisip mo na kapag nasanay ka, hindi na magiging masyadong mabigat sa'yo ang ang mga bagay-bagay; matatangap mo ang katotohanan at matututo kang mag-adjust at mamuhay ng masaya at buong ligaya. (Sige kanta!) Hindi ba?
Sa ngayon, nagsasanay ako sa maraming bagay. Sa pagtugtog ng piano, sa pag-multi-task, sa paglalahad ng aking mga saloobin sa pamamagitan ng salitang sariling atin, (nakakabobo kasing mag-tagalog sa isang paaralan na araw-araw kang inaasahang mag-ingles at mayroon kang titser na daig pa ang computer narrator sa arte ng pagsasalita.)pag-type ng mabilis, hindi pagamit ng mga salitang "txtikli" (teks-ik.li; text at maikli, nag-fusion), pagpatay ng lamok, pag titig ng matagalan sa computer at pag-iisip ng mga malalalim na bagay, pati na rin ng mga mabababaw na bagay na kakatuwang bigyan ng pansin.
Marami pa siguro akong pinagsasanayan pero hindi ko napapansin kasi malapit na nga akong masanay at hindi na sasagi sa isip ko na, "teka, hindi ko naman 'to ginagawa ah?!". Kapag complete na ang training mo, bihasa ka na at expertise mo na iyon. Ikaw lang ang may alam kung paano mo ito natutunan at malalaman mo lang kapag lumingon ka sa iyong pinanggalingan :)
Ito ako noon, ito ako ngayon.
Posted by
caffeine
at
Saturday, December 13, 2008
0
comments
An i love you back
Nanunuod ako ng Gossip Girl kanina. Sobrang saya ko na sana noong sinabi ni Blair kay Chuck 'yung matagal na nilang (at namin, natin kung sakali) hinihintay na mga salita; 3 words, 8 letters--I LOVE YOU. Akala ko naman noong sinabi na ni Blair iyong bagay na iyon kay Chuck, susungaban na ni Chuck ang pagkakataon kasi iyon nga ang pinakhihintay niya 'di ba? Pero bakit ganon? Sadya nga namang liko-liko ang utak ng tao at sinabi lang niya "Well that's too bad" sabay sakay sa sagradong limo niya at walk out...drive out,basta 'yun.
Grabe siguro 'yung sakit na naramdaman ni Blair noon. Kasi, sa likod ng utak niya, iniisip na niya na maayos na lahat. Na magiging sila na, sa wakas. Kahit na ba siya si Blair Waldorf at iyon si Chuck Bass at saliwang-saliwa ang mga paniniwala at buhay nila, mahal pa rin nila ang isa't isa at alam nila 'yon kahit na ba hindi nila sabihin sa isa't isa. Pero dahil doon sa ginawa ni Chuck, parang nagbigti si Blair. Sumabit sa lubid ng kanyang kamatayan. Kasi, durog na nga puso niya sa ginawa ni Chuck, naiwanan pa siya para pulutin ang lahat ng piraso at umasa. Ang hirap noon 'di ba? Parang mas masarap pang ipasagasa ang puso mo sa kalasada kaysa sa ganunin ka.
Mahirap kasi talagang sumugal sa pagmamahal. Lahat-lahat kasi ng mayroon ka, itataya mo. Kapag natalo ka, talaga namang gugunaw ang mundo mo. Wala kang kanlungan, walang kapayapaan, walang kasiyahan. Mahirap. Pero matapos nang ilang araw, buwan o taon, matuto ka nang tanggapin ang pagkatalo mo at mamuhay sa mundo na parang isang iskwater na walang pagmamay-ari ni isang kuting. Kasi nga, life goes on at wala kang magagawa kung hindi ang magpatuloy. Kung magpapakamatay ka, tanga ka.
Sa mga taong nagsasabi ng ganito katatalim na mga salita katulad ng I love you, hindi maiiwasan na may asahan silang sagot. At iyon, malamang lang naman, ang makapag-papaligaya sa kanilang nalulumbay na kalooban. Nagsasalita lang naman ang isang tao ng matatalim na salita kapag hindi na niya ito kayang kimkimin o itago sa kaibuturan ng lalamunan niya dahil pakiramdam niya parang sasabog na siya. Minsan lang magsalita ang isang tao na mga ganitong salita ang lumalabas at maniwala ka na kasi totoo 'yan.
Sa panahon ngayon, madali nang magsabi ng I love you kahit walang kahulugan. Ako, nasabi ko na 'yan, maraming beses na. 'Yung iba, para manloko. Oo, inaamin ko. 'Yung iba, wala lang, gusto ko lang makita 'yung reaksyon nung tao. Pero nakuha ko naman ang karma ko. Sinabi ko yan nang may kahulugan isang beses sa buhay ko. Ngayon, ako naman ang nasaktan.
Masakit pala, no? Parang nakakagago talaga.
Matapos ang kasal ng nanay ni Blair, bumisita si Chuck sa bahay nila. Nakapag-isip na siguro at hinarap si Blair. Sa una, parang galit pa si Blair; pero noong nakita niya 'yung mukha ni Chuck, niyakap niya. Kahit walang salitang binibitawan si Chuck, alam niya eh. Kailangan nila ang isa't isa at lagi lang niyang mamahalin si Chuck, kahit ilang beses pa siyang masaktan. Nang maipikit niya ang mata niya sandali, wala na si Chuck. May note na lang na nagsasabing sorry at may mas deserving pa daw kay Blair. Galing kay Chuck. Galing! Umalis siya nang hindi nagpapaalam ng maayos at hindi pa rin naririnig ni Blair iyong 3 words, eight letters mula sa kanya. Aasa pa kaya si Blair?
May pagkakapareho pala kami ni Blair kahit papano. Hindi ako maganda, mayaman at matalino katulad niya pero alam ko, aasa pa rin siya. Kasi alam niya kung ano ang totoo at hindi. Ngayong alam na niya ang totoo, na mahal niya si Chuck, pakakawalan na lang ba niya ito at tatanggapin ang kasinungalingan na kaya niyang pabayaan si Chuck? Na hindi niya kailangan 'yung tao? Na makakamove-on siya? Na hindi siya nagmahal, nagmamahal at magmamahal?
Siya, siya lang, wala nang iba :(
Posted by
caffeine
at
Saturday, December 13, 2008
0
comments
katapusan (forever stike-out)
Ayokong nanunuod ng anime na napakaganda o magbasa ng manga na catchy talaga; kasi matatapos din 'yan. Mag-iinlove din 'yung dalawang bida sa isa't isa, mapupuksa ang kasamaan o mamatay 'yung bida. Sa huli, mahal na mahal mo na 'yung mga tauhan pero dahil tapos na, pakiramdam mo hindi ka na updated sa buhay nila. Pero gusto mo pang malaman kung anong nangyari sa kanila. Katulad ng sa S.A., gusto mong malaman kung nagkatuluyan nga si Hikari at Kei. Sa Deathnote, sa Naruto, kahit dun sa mga naadik sa Dragon Ball; 'di ba kapag natapos na at wala ka nang pinapanood o binabasa, nakakamiss na parang may nawalang bahagi ng buhay mo.
Ayokong nagbabasa ng libro o komiks; kasi sa huli, tatamarin din yung awtor na magsulat o magdrawing niyan. Ititigil din niya 'yung storya sa parteng naging masaya na 'yung bida o patay na. Mahirap 'pag namatay yung awtor habang ginagawa 'yung proyekto niya. Lalo na kapag walang magtutuloy, naku! Kabitin 'di ba? Pero wala na kasi, tapos na. Katulad ng sa Harry Potter; hindi na talaga gagawa si J.K. Rowling ng book 8 kahit baliktarin niyo pa ang dalawang letrang ginagamit niya bilang pangalan at iyon ang itawag niyo sa kanya. Ang Lord of the Rings, hindi na talaga matutuloy 'yan kasi patay na si J.R.R Tolikien, noong 1973 pa. Iyong series na pinakauso ngayon na sa kasamaang palad ay nailathala na ang book 4, Twilight. Hindi na dadagdagan pa ni Stephenie Meyer ang koleksyon matapos nang Breaking Dawn at hindi mo na malalaman kung nagkatuluyan si Jacob at Renesmee. Wala na, tapos na.
Ayoko sa lahat ng bagay na may katapusan. Ayoko. Kahit ang buhay ayoko. Alam ko kasi na matatapos din 'to; lahat mawawala. Lahat mabubura at titigil na ko sa pag-iisip ng mga bagay na ayoko; at kung bakit nga ba ayoko sa lahat ng pagtatapos.
May katwiran ang mga kaklase ko noong sinabi nila na walang "forever". "Forever striked out. Hindi nila sinabi 'yon para sa pagpapaka-emo dahil kung iisipin, wala naman talagang forever, eternal o walang hanggan...
Malapit nang magtapos ang taon na ito.
Ayoko.
Malapit na kaming grumaduate ng hayskul.
Ayoko.
Malapit na kaming maghiwa-hiwalay.
Ayoko.
:(
"HOY! 'Wag ka ngang emo 'jan. Friends naman tayo forever 'di ba?"
Forever? Walang forever.
Noong sinabi 'yan ng kaklase ko, napa-isip ako. Wala naman talagang forever at marami na 'kong patunay sa teoryang 'yan. Pero sa pagkakataong ito, gusto kong maniwala na meron. Kasi ayokong mawala sa 'kin ang kaibigan ko.
Ayoko.
Gusto ko ng forever. Ayoko ng ending. Hindi ako naniniwala sa new beginning. Sa past is past. Kasi, ayokong maniwala na walang forever at ayokong matapos and paniniwalang ito kasi ayoko nga sa mga katapusan.
"Kahit kailan, hindi kita makakalimutan. Forever ka nang nasa isip at puso ko"
Iyang linyang 'yan? Sa akin galing 'yan. Noon. Noong malapit nang matapos ang lahat.
Alam ko na "inevitable" ang katapusan. Pero itong nasa puso ko, walang ending. FOREVER IYANG NANDIYAN. FOREVER KONG PANGHAHAWAKAN.
Hindi matatapos ang "cycle" ng simula at katapusan. Hindi kahit kailan at iyon ang forever. Ito naman ang hinihiling ko na sana matapos na. Na sana hanggang sa resolution lang tayo at magpakasasa sa bliss na dala nito. Ayoko nang humantong pa sa conclusion. Sa resolution lang, masaya na ko.
Pero hindi lahat ng gusto natin, makukuha natin 'di ba? Iyan ang dapat nating tandaan forever.
Hindi ko alam ang dapat kong paniwalaan. Ang "forever" ba o ang "start and end".
Sa totoo, ang dapat kong paniwalaan ay 'yung huli kong sinabi. Pero ayoko eh. Pinapaniwalaan ko pa rin yung nauna, kahit hindi iyon totoo.
Posted by
caffeine
at
Saturday, December 13, 2008
0
comments
Ngayon lang
Ngayon lang ako sinapawan
Bakit ba naman kasi may mga teacher na...hmpf
Grabe
Akala ko magiging masaya ako pag naging teacher ko siya
Ngayon
Wala, puro hinanakit lang ang meron
Kasi naman
Di ba?
Huling taon ko na nga
Ganyan pa?
Gusto ko talagang umiyak
Pero hindi ako yun ee
Ang natitira na lang
...
...
REVENGE
Babangon ako
at dudurugin kita
Shet,,pag graduate ko
humanda ka
Posted by
caffeine
at
Saturday, December 13, 2008
0
comments
Tuesday, December 2, 2008
Beforehand Excitement
On Dec.5, I'll be playing the School Principal,,wocha with that! I'm super excited and oh yeah, it's for the personnel's day.
Then after, the Personnel concert will be held. Nice huh?. Oh please come people. Venue: THE BLUE SCHOOL, IJA :)
I'm just blabbing my excitement out.
Posted by
caffeine
at
Tuesday, December 02, 2008
0
comments
Monday, December 1, 2008
Unknown Death
It is scary.
x.x.x.x.x.
The grade 6 student had her team building trip along with the other Grade six pupils in Earth Haven. In the area, she slipped and sprained her ankle but she never told the teachers about it because she didn't really mind the small pain. When she got home, it ached more so her mom asked someone to massage it. It got swollen the next day.
The mom then gave her medicine. The next day, the child got rashes on her skin. They look like Old-folks' measles, largely clumped together and swollen red. She had a very high fever and she was talking to someone the people in their house couldn't see. They said she was under delirium so the parents believed that.
They went to the ortho and they only found out that she has no fractures, no sprains. Their lab test results were that of a normal persons'. Nothing is wrong. So they decided to consult a quack doctor. And the albularyo had results.
An old woman is in the house. The grade six student asked her to leave and so the spirit left. When the spirit left, that was the time when the girl's condition got worst and her fingers and toes went blue. She was rushed to the hospital, but was dead upon arrival.
x.x.x.x.x.
Now my parents are paranoid. I don't think they will allow me to go to our team building.
Do you believe in "namatanda"?
That's what the unfortunate parents believe.
Posted by
caffeine
at
Monday, December 01, 2008
0
comments